I have a sore throat today and it’s killing me. Nakakasira ng pag-aaral. :<

Napaka-kamote na ng sight reading skill ko. Pambihira… di na ako sanay mag-basa ng nota… parang nalulunod at naduduling ako bigla. Overwhelmed lang ako siguro. Kelangan ko na ipraktis talaga ang aking left and right brain… Haaay… parang yung sa chorus class namin kahapon, di ako makasabay. Huhuhu… aba syempre mega sight read yung ibang mga kalsmeyt ko… eh ako na-baby sa chorale namin na pindot ever si sir nick ng mga nota na kakantahin namin. Kaya mejo di ako makasabay kahapon… tapos ‘eto pa ung sore throat ko. *lungkot*

Pero may maganda namang nangyari kahapon… Assignment kasi namin na pakinggan yung Carmina Burana (yun yung famous na tugtog sa ad ng pharmaton dati… yung…. tententenen… tententenen… got it?). Astig pala yun… pag napakinggan mo siya ng buo kahit di mo maintindihan kasi latin yung kanta nila… maganda yung music… the choral part and even the orchestra… astig din yung baritone na soloist nila. Yan pa lang yung magagamit kong adjectives for now… di ko pa maaanalyze yung music. Pero anyway magaling talaga si Carl Orff… at masarap mag-stay sa music library…

Haaay… kelangan ko pa mag-ensayo. Maraming maraming ensayo. That’s how a musician’s career flourishes. Sana di namamalo ng kamay yung piano teacher ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
‘eto lalagyan ko na ng lyrics…

Semper crescis
Aut de crescis
Vita de te stalis….

LSS na ‘to.